Kung titingnan mo ngayon ang social media, parang palengke sa ingay: DDS vs. BBM supporters, araw-araw may bagong away, bagong parinigan, bagong sigawan. Para bang hindi pa sapat ang hirap ng bansa, pati online di pa rin matahimik.
Pero habang abala ang dalawang kampo sa pag-aaway, may ibang kulay — ibang grupo — na dahan-dahan, tahimik pero tuloy-tuloy ang galaw. Hindi sila sumisigaw. Hindi sila nakikisawsaw nang lantaran. Pero ramdam mo: kumakasa na sila para sa 2028.
At ang mas nakakabahala?
Mukhang sila pa mismo ang nagpapainit sa bangayan ng dalawang kampo.
Parang gasolinang paunti-unting ini-spray sa apoy: kunting intriga dito, pekeng quotes doon, konting spin, konting pasiklab… hanggang tuluyang magliyab ang dalawang malaking grupo. Kung naglalaban ang dalawang higante, sino ang makikinabang? Siyempre, ‘yung nakatayo sa gilid. ‘Yung nagpapakain ng apoy.
Parang classic Pinoy telenovela: habang nag-aaway ang bida at kontrabida, biglang papasok ‘yung third party — tahimik, pero planado.
Bakit ito mahalaga sa bawat Pilipino?
Kasi division is power. The more divided we are — mas madali tayong i-manipulate. Mas madali tayong idaan sa disinformation. Mas madali tayong pag-awayin para hindi natin mapansin ang tunay na isyu: taas-presyo, kakulangan sa trabaho, bulok na serbisyo publiko, at ang paulit-ulit na siklong politikal na walang direksyong pangmatagalan.
Habang nagbabangayan tayo online, may mga grupo na nagdi-design ng narrative, nag-o-organize, nagre-recruit, nag-iipon ng pondo, at naghihintay ng tamang oras para sumalakay sa 2028. At kapag dumating ang election season, tayo na naman ang mau-uto, mauubusan, at mapapagod.
Kaya kailangan nating magising, mga kababayan.
Hindi tayo dapat nagiging chess pieces sa laro ng mga politiko.
Hindi tayo dapat nagpapagamit para sa illusions na sila ang nag-aaway — pero tayo ang lugi.
Tanong ko lang:
Habang pinag-aaway nila tayo, sino kaya ang tunay na nananalo?
Roy Bato is the Founding President of the Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) CALABARZON Chapter and has been a dedicated broadcast journalist for 29 years. Roy Bato is also the CEO of IBS Media Group. Through powerful storytelling and fearless journalism, he champions truth, transparency, and the voice of every Filipino.
Visit www.RoyBato.com
Comments
0 comment